Naghahanda na ang mga alkalde sa Metro Manila para sa pre-registration ng mga batang isasama na sa national vaccination program ng gobyerno sa Oktubre.

Sa report ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakaukang na aniya ang mga preparasyon para sa gagawing pagbakuna sa mga batang edad 12-17.

“Good news po na ang daming bakung darating sa bansa. Naghahanda na po ang mga mayors sa pre-registration ng mga bata from 12-17,” ani Abalos.

Kasama aniya sa mga inihahanda na ng local executives sa National Capital Region ay ang listahan para sa mga estudyante.

“Nakahanda na ho kami ng listahan po natin para sa mga estudyante po namin,” dagdag ni Abalos.

Sa ngayon ay ang bakunang gawa ng Pfizer pa lamang ang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring gamitin para sa mga bata. (Aileen Taliping)

The post NCR Mayors ikinakasa turukan ng mga bagets – MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-mayors-ikinakasa-turukan-ng-mga-bagets-mmda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-mayors-ikinakasa-turukan-ng-mga-bagets-mmda)