Inendorso ng House Committee on Basic Education and Culture sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang resolusyon na nagno-nominate kay Ramon Revilla Sr., sa national artists award.

Sa House Resolution 2240, kinilala ng mga mambabatas ang naging kontribusyon ni Revilla sa sining ng bansa partikular sa larangan ng entertainment.

Bukod sa pagiging entertainment icon, si Revilla ay isang aktor, producer, writer at director, at naging senador ng bansa.

Kasama sa kanyang natanggap na award ang 1973 Filipino Academy of Movie and Sciences Award for Best Actor Award, 1976 Outstanding Producer Award, 1979 Most Outstanding Actor and Box Office King, 2011 Catholic Mass Media Lifetime Achievement Award, at Sino-Phil Asia International Peace Award for Performing Arts.

“His contributions to Philippine society, in general, and to the Philippine entertainment industry, in particular, deserve due recognition for making a profound influence in the propagation and appreciation of the title of National Artists,” sabi sa resolusyon.

Ang Order of National Artists of the Philippine o Filipino Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay naitatag sa pamamagitan ng Proclamation 1001 noong 1972.

Ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa Filipino artist sa larangan ng sayaw, musika, teatro, visual arts, literature, pelikula at broadcast arts, arkitektura at allied arts at design.

The post Nominasyon ni Ramon Revilla Sr. sa national artist award hirit ng House panel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nominasyon-ni-ramon-revilla-sr-sa-national-artist-award-hirit-ng-house-panel/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nominasyon-ni-ramon-revilla-sr-sa-national-artist-award-hirit-ng-house-panel)