Sa kulungan ang bagsak ng isang hinihinalang kelot na may kinalaman sa mga kaso ng patayan matapos maposasan ng kapulisan ng Calamba City.

Kinilala ang naaresto bilang si John Marco Sandova na umano’y may kinalaman sa mga pamamaril sa Calamba, Laguna, at Batangas.

Ayon sa ulat ng GMA News, natagpuan ang hideout nang suspek sa tulong ng mga saksi at kuha ng CCTV.

Nakauha naman sa suspek ang sa .45 kalibre pistol, cellphone, pekeng ID, at isang motorsiklo.

Samantala, kasalukuyang binubusisi ng mga awtoridad ang telelpono ng kelot upang matunton ang mastermind ng kanyang mga ginawang krimen.

“May pointer sila diyan, ina-identify nila kung sino ‘yung target. Then naka motor sila. Pagna-spot-an na nila ‘yung target nila, babarilin nila doon,” wika ni Calamba Police chief Police Colonel Arnel Pagulayan. (VA)

The post Notorious na hitman timbog sa Laguna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/notorious-na-hitman-timbog-sa-laguna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=notorious-na-hitman-timbog-sa-laguna)