Nananatiling nasa high risk ang occupancy rate ng mga intensive care unit sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).

Nanigas kasi sa 78% ang occupancy rate nito.

Kinokonsidera bilang high risk ang occupancy rate ng isang lugar kung meron itong mahigit sa 70% na rate ngunit mas mababa naman sa 85%.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, naitala rin na 74% sa COVID ward beds sa buong bansa ay okyupado na habang 72% naman ng mga ward ay ginagamit na rin sa Metro Manila.

Dagdag pa rito, 57% sa 3,300 mechanical ventilators sa bansa ay ginagamit na samantalang 61% naman ang occupancy rate ng mechanical ventilators sa Metro Manila.

Kasalukuyang may 2,248,071 COVID-19 cases na ang bansa — 2,032,471 dito ang gumaling at 35,307 naman ang natsugi.

The post Occupancy rate ng ICU beds sa NCR nanigas sa 78% – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/occupancy-rate-ng-icu-beds-sa-ncr-nanigas-sa-78-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=occupancy-rate-ng-icu-beds-sa-ncr-nanigas-sa-78-doh)