Naiwang mag-isa sa Kuwait ang isang sanggol matapos pumanaw dahil sa coronavirus disease ang kanyang ina.

Sa digital newscast na Stand for Truth, iniulat na noong Mayo 2020 isinilang ng OFW na si Maricris si baby Cris pero makalipas ang isang taon, nagpositibo siya sa COVID at kalaunan ay namatay.

Ang kaibigan umano ni Maricris na si Jessie Oliva ang umako at nag-aalaga ngayon sa sanggol.

Pero iuuwi sa Pilipinas ang sanggol dahil gusto raw ng nanay ni Maricris na si Marivic na alagaan ang kanyang apo.

Ayon kay Adrian Baccay, ng Philippine Embassy sa Kuwait, undocumented ang sanggol dahil wala itong birth certificate matapos ipanganak sa bahay.

Pero sa koordinasyon ni Jessie at Philippine Embassy sa Kuwait, sinabi ni Marivic na maiuuwi sa Pilipinas si Cris ngayong September.

Samantala, hindi na naiuwi sa bansa si Maricris at inilibing sa Kuwait dahil ayon kay Baccay, bawal ang cremation sa Muslim.

The post OFW dedo sa COVID, baby naiwan sa Kuwait first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ofw-dedo-sa-covid-baby-naiwan-sa-kuwait/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ofw-dedo-sa-covid-baby-naiwan-sa-kuwait)