Naimbyerna si Ogie Diaz sa pagkakatuloy ng national convention ng PDP-Laban Cusi faction noong Miyerkoles na isinagawa sa kabila ng pandemya.

Hindi lamang ang natuloy na convention ang ikinainis ng talent manager, kundi ang pagbawi sa unang idineklarang general community quarantine (GCQ) sa NCR.

Maraming negosyo ang naapektuhan sa biglang-atras ng anunsyo na ito. Kaya naman lalong nabadtrip ni Diaz na natuloy pa rin ang sama-sama ng PDP-Laban members na tila isang mass gathering.

“So sila, pwede? Ang mga negosyo, bawal? Ang mga manggagawang excited magtrabaho, nganga?” ani Diaz.

Sa naturang convention ay tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon para maging vice presidential candidate ng partido.

The post Ogie Diaz badtrip sa PDP-Laban convention first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ogie-diaz-badtrip-sa-pdp-laban-convention/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ogie-diaz-badtrip-sa-pdp-laban-convention)