Inaprubahan na ng Senate finance committee ang panukalang P8.2 bilyong pondo ng Office of the President (OP) para sa taong 2022.

Bukod diyan, inaprubahan din ng komite, na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara, ang P751.17 milyong pondo ng Presidential Management Staff (PMS) na mas mababa ng 5.11% kumpara sa kanilang ngayong taong ito.

Tumagal ng isang oras ang talakayan bago inaprubahan ng komite ang pondo dahil sa pagtatanong ng ilang mga senador.

Unang nagtanong si Senador Nancy Binay hinggil sa pondo na inilagay sa “for later release” o FLR para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa mga nagdaang diskusyon sa Development Budget Coordination Committee hearing, 30% pa lamang ng mga proyekto ng DPWH.

“Ang sabing explanation ng DBM (Department of Budget and Management) kasi wala pa daw clearance from OP. I think the amount was P100 billion worth of projects,” sabi ni Binay.

Naabisuhan ang mga senador na maaaring maibalik ang FLR sa gobyerno kapag hindi nagamit ito ngayong Disyembre ng taong ito.

“Itong mga proyekto na ‘to na sana patapos na e hanggang ngayon hindi pa nasisimulan…Binigyan natin ng allocation ito last year as part of Build, Build, Build program, but nakakagulat,” sabi pa ng senadora.

Paliwanag naman ni Michael Ong, senior deputy executive secretary, ang mga proyektong popondohan ng FLR funds ay kailangang may special condition sa kanilang release.

“The FLR are limited to the new budgetary items that are not in the National Expenditure Program (NEP) and many of these—because they are not in the NEP—have not gone through in the usual vetting process of the agencies,” ani Ong. (Dindo Matining)

The post P8.2-B budget ng OP para sa 2022 OK sa Senate panel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p8-2-b-budget-ng-op-para-sa-2022-ok-sa-senate-panel/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p8-2-b-budget-ng-op-para-sa-2022-ok-sa-senate-panel)