“Talagang mismanaged.”

Ganito inilarawan ni Senador Manny Pacquiao ang tugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic response.

Ginawa ng Senador ang pahayag matapos sermunan ni presidential spokesperson Harry Que ang grupo ng mga edoktor sa online meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Sa tingin ko hindi naman naresolba ang pandemya mas lalo pang lumala, pataas nang pataas ng mga cases ng infected with COVID. Talagang mismanaged, I’m sorry to say this but iyan ang nararamdaman ko,” sabi ni Pacquiao sa panayam sa Teleradyo.

Ayon kay Pacquiao, mas mainam na ituon ng gobyerno ang kanilang pokus sa malawakang pagbabakuna nang sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga namatay at naospital na mga Pilipino.

“Dapat mag-focus tayo sa massive vaccination dahil yan po ang nakikita ko sa ibang bansa bakit sila nakakapagbalik to normal na ang pamumuhay nila dahil yung focus nila is to vaccinate the people,” ani Pacquiao.

The post Pacquiao sa pandemic response ng gobyerno: Talagang ‘mismanaged’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-sa-pandemic-response-ng-gobyerno-talagang-mismanaged/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-sa-pandemic-response-ng-gobyerno-talagang-mismanaged)