Sinabi ni Senador Manny Pacquiao na ang sinseridad niya tungkol sa pagbabago ng bansa at layunin na pagtulong sa mga mamamayan ang pinagkaiba niya sa ibang kandidato sa pagka-pangulo.

Sa panayam sa Politiskoop ng Politiko noong Biyernes, sinabi niyang iba siya dahil hindi rin siya materialistic na tao at hindi mahalaga sa kanya kahit pa pinakamayayaman sa mundo.

“Ang importante yung nagawa natin sa kapwa at na-accomplish natin, yung mga pangarap natin especially pagtulong, pag-unlad ng ating bansa,” wika ni Pacquiao.

Dagdag niya, bilang atleta, kaya niyang ibigay ang buong effort at hard work para matamo ang layunin.

“Pag may pangarap po ako na gusto kong abutin talagang yung effort, yung hard work, yung dedication ko nandiyan more than 100 percent pa sabihin natin, at nandiyan with the guidance of God I think we can change a lot,” sambit pa ni Pacquiao.

The post Pacquiao sincere na baguhin ang ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-sincere-na-baguhin-ang-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-sincere-na-baguhin-ang-pinas)