Tuluyan nang nagsampa ng reklamo si Senador Manny Pacquio laban kay “Appointed Son of God” Apollo Quiboloy.

Kaugnay ito sa pagpapakalat ng pastor ng umanoy fake news tungkol sa “billion project” ng Senador sa Saranggani.

Ayon sa inisyal na ulat, P100 million cyberlibel complaint ang inihain ni Pacman laban kay Quiboloy.

Inilatag ni Pacquiao ang naturang reklamo ngayong Martes ng umaga sa Makati City Prosecutor’s Office.

Nito lamang unang linggo ng buwan ng supalpalin ng Senador si Quiboloy at sinabihang nagpapanggap lang siya na pastor dahil sa asal na ipinapakita nito.

“Hindi ‘yun project ko. Project yan kung saan hawak ni Bong Go yung comitee sa Bataan,” una nang paglilinaw ni Pacquiao.

“Ang Sarangani, yung project ko na training center, nasa 300 milyon to 500 milyon lang ang badyet ko doon,” pagpapatuloy niya.

“Ilabas pa sa tao… sisiraan pa ‘yung pangalan ko.. pangit-pangit sa nagpapanggap na pastor na gano’n ang gagawin.”

“Hindi gano’n… kung ikaw ay nasa Panginoon, hindi ganon ang ginagawa mo,” dagdag pa niya.

The post Pacquiao vs Quiboloy kasado na! P100-M libel complaint kumaway sa pastor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-vs-quiboloy-kasado-na-p100-m-libel-complaint-kumaway-sa-pastor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-vs-quiboloy-kasado-na-p100-m-libel-complaint-kumaway-sa-pastor)