Nadiskubre ng isang pag-aaral sa UK na ang mga lalaking may asawa na mas malaki ang size ng paa ay may mas malaking tsansa na mangaliwa.

Ang pag-aaral, na isinagawa ng dating site na Illicit Encounters, ay nagbigay ng mga katanungan sa 2,000 kalalakihan na may asawa.

Dito nila nadiskubre na may 29% na tsansa na mangaliwa ang mga lalaking ang paa ay size 11, sinundan ng mga size 10 (25%), size 12 (22%), at mga size 13 pataas (21%).

Ayon sa tagapagsalita ng Illicit Encounters na si Jessica Leoni, ang mga lalaking malalaki ang paa ay karaniwang ang matatangkad, kaya’t pansinin umano ang mga ito.

“Men with bigger feet tend to be tall, so are perhaps likely to get more attention,” aniya.

“Whilst some may argue that there is more to an affair than a man’s shoe size, the data doesn’t lie,” dugtong pa niya. “Love rats are most likely to have a shoe size of 10 or over.” (MJD)

The post Pag-aaral: Mga size 11 ang paa nangangaliwa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-aaral-mga-size-11-ang-paa-nangangaliwa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-aaral-mga-size-11-ang-paa-nangangaliwa)