Maituturing pa ring “very good” ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na bumaba ito at naitala sa 75%.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa inilabas na Social Weather Stations (SWS) survey kung saan bumaba ang satisfaction rating ng Presidente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nababahala ang Palasyo sa resulta ng survey dahil wala namang Presidenteng hindi bumaba ang trust at satisfaction rating kapag malapit na ang eleksiyon,p.

“Inaasahan natin na walang Presidente na hindi bumaba sa kanyang trust and satisfactory rating habang palapit na ang eleksiyon.Siyempre mag-eeleksiyon na, yung mga kakandidato ay hahanap ng paraan para mapababa yung rating ng administrasyon dahil kung hindi, wala silang pag-asang manalo,” ani Roque.

Kung ikumpara ang rating ng Pangulo sa ibang nagdaang Presidente, sinabi ni Roque na very good pa rin ang marka nito dahil batay sa standards, ang 75% ay mataas na marka para sa isang Pangulong nasa huling taon na ng kanyang termino.

“Pero itong pagbaba, hindi naman mabilis na pagbaba,75 po at tingin ko naman,dahil mayroong 3percent na margin for error, mahigit kumulang na hindi tataas ng seven points ang ibinaba ng ating Presidente. That is hindi masyadong alarming and it is still very good by any standards,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte very good pa rin – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbaba-ng-satisfaction-rating-ni-pangulong-duterte-very-good-pa-rin-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbaba-ng-satisfaction-rating-ni-pangulong-duterte-very-good-pa-rin-palasyo)