Patok ang karinderya ng isang Pinay sa Texas, Amerika dahil sa inihahain nitong Pinoy foods.

Ayon sa ulat ng Brigada, galing mismo sa garden ni Pinay home-made chef Josephine Cook ang ginagamit niyang ingredients para sa mga putaheng niluluto niya sa kanyang restaurant na Old Rooster Creek sa Princeton, Texas.

Kwento ng Pinay, nagsimula ang kanilang international karinderya bilang litsunan at kalauna’y napagdesisyunang magdagdag pa ng ibang Pinoy foods tulad ng dinuguan, inihaw na pusit, at pansit.

Aniya, nagkakahalaga nang $10 o P500 ang presyo ng isang combo meal sa kanilang menu kasama na ang kanin at inumin.

Pumapatak naman aniya sa halagang $20 o P1,000 ang kada poung ng litson.

Bukod sa putaheng Pilipino, may Pinoy feels din aniya ang kanilang kainan dahil sa mala-bahay kubong disenyo nito at pa-videoke sa loob.

Aniya, bukas ang kanilang karinderya tuwing Biyernes hanggang LInggo.

The post Pagkaing Pinoy swak sa dila ng mga Kano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagkaing-pinoy-swak-sa-dila-ng-mga-kano/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagkaing-pinoy-swak-sa-dila-ng-mga-kano)