Kinondena ng isang solon ang pagpapasabog sa isang volleyball game sa Datu Piang, Maguindanao kung saan walo ang nasugatan kabilang ang isang 13-anyos na lalaki.

“This act is an affront not only to the people of Maguindanao but to all humanity,” sabi ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu.

Sinabi ni Mangudadatu na hindi dapat iugnay ang terorismo sa anumang relihiyon, nasyonalidad o sibilisasyon o etnikong grupo.

“All acts, methods and practices of terrorism, cannot or should be justified under any circumstances. Hindi ang pagdudulot ng perwisyo o ang pagkitil sa buhay ang paraan upang maihayag mo anuman ang iyong tinatayuan o ipinaglalaban. Mananatili kaming kaisa sa paglaban sa tunay na terrorismo or in acts of terrorism that directly undermine peace and security and endangers our ongoing efforts in the Bangsamoro Region,” dagdag pa ni Mangudadatu.

Sa paunang imbestigasyon, isa umanong improvised explosive device ang pinasabog sa Datu Piang municipal covered court noong Sabado ng hapon kung saan isinasagawa ang isang volleyball game.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.

Ang mga biktima ay kabilang sa LGBTQ+ community. (Billy Begas)

The post Pagpapasabog sa Datu Piang kinondena first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpapasabog-sa-datu-piang-kinondena/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpapasabog-sa-datu-piang-kinondena)