Hindi na requirement ang pagsusuot ng face shield ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sambit niya sa kanyang Talk to the Nation nitong Miyerkoles, kailangan na lang isuot ang protective gear sa 3Cs — close, crowded, close-contact na mga lugar.

“No more face shields outside… Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield,” ani Duterte.

“Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanawagan si Duterte sa mga awtoridad para sa agarang paglalabas ng guidelines sa implementasyon nito.

Matatandaang matagal nang isyu ang pagsusuot ng mga Pilpino ng face shield dahil batay sa pag-aaral, isa ang Pilipinas sa ilang bansang natitirang nagre-require pa rin ng pagsusuot nito para maiwasan ang COVID-19.

Bukod pa rito, umaaray rin ang publiko sa tuwing kakailanganin nilang bumili nito. (VA)

The post Pagsusuot ng face shield di na required, sa ‘3Cs’ na lang – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsusuot-ng-face-shield-di-na-required-sa-3cs-na-lang-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsusuot-ng-face-shield-di-na-required-sa-3cs-na-lang-duterte)