Mukhang hindi ‘BFF’ ang tingin ng mga BIFF sa mga LGBT.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng militar sa nangyaring pagpapasabog sa isang volleyball game noong Sabado sa Datu Piang, Maguindanao ang posibilidad na ginawa ang krimen dahil sa ‘hate crime’ laban sa mga miyembro ng LGBT.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, nakatanggap ang mga kabataang miyembro ng LGBT group sa Datu Piang ng mga death threat mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

“We found out na itong mga kabataan na miyembro ng LGBT sa Datu Piang ay naka-receive ng death threats from BIFF-Karialan faction, na sila ay binabantaan na sasaktan ng nasabing grupo kung hindi nila ide-denounce yung kanilang affiliation sa LGBT,” pahayag ni Baldomar.

Sa naturang pagpapasabog, walo ang sugatan kung saan mga pawang miyembro ng LGBT community.

Sinigurado naman ng militar na tuloy-tuloy ang pagtugis nila sa mga posibleng nasa likod ng krimen, partikular ang BIFF.

The post Pambobomba sa Maguindanao tinarget LGBT – militar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pambobomba-sa-maguindanao-tinarget-lgbt-militar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pambobomba-sa-maguindanao-tinarget-lgbt-militar)