Umusad na sa Kamara de Representantes ang panukala na magpaparusa sa mga tao na magpupuslit ng malaking halaga ng pera papasok at palabas ng Pilipinas.

Walang tumutol sa pag-apruba ng House Bill 8927 ay nakatanggap ng 197 boto.

Layunin ng panukala na matiyak na hindi magagamit ang bansa sa money laundering.

Sa ilalim ng panukala, dapat magdeklara ang mga indibidwal na may dalang lagpas sa $10,000 o katumbas nito na ipapasok o ilalabas ng bansa. Kailangan ding ideklara kung ano ang negosyo at kailangang dalhin ang cash.

Ang pagkabigo na magdeklara ay itatrato na galing ang pera sa iligal na gawain.

Ang mga mabibigong magdeklara ay makukulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon. Kung ang kanilang dala ay mahigit sa $200,000 ang parusa ay pito hanggang 14 taon.

Ang perang sangkot ay kukumpiskahin ng gobyerno.

Kung dayuhan ang lumabag, siya ay ipapa-deport matapos pagsilbihan ang kanyang sintensya.

The post Panukala na magpaparusa sa magpupuslit ng malaking halaga ng pera umusad sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukala-na-magpaparusa-sa-magpupuslit-ng-malaking-halaga-ng-pera-umusad-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukala-na-magpaparusa-sa-magpupuslit-ng-malaking-halaga-ng-pera-umusad-sa-kamara)