Umusad na sa Kamara de Representantes ang panukala na biyakin sa tatlong distrito ang South Cotabato.

Ang House Bill 10021 ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, ang unang distrito ay bubuohin ng mga munisipalidad ng Polomolok, Tampakan at Tupi.

Ang Koronadal City at munisipalidad ng Banga at Tantangan naman ang bubuo sa ikalawang distrito.

Ang ikatlong distrito naman ay ang mga munisipyo ng Norala, Santo NiƱo, Surallah, Lake Sebu at T’boli.

Ang General Santos City ay aalisin na sa ikatlong distrito at magiging solong distrito na.

Ang kinatawan ng una at ikalawang distrito ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang kanilang termino sa Hunyo 2022.

The post Panukalang gawing 3 distrito ang South Cotabato umusad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-gawing-3-distrito-ang-south-cotabato-umusad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukalang-gawing-3-distrito-ang-south-cotabato-umusad)