Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbabawal ng child marriage sa bansa.

Kumpiyansa si Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na maaprubahan ang panukala at maisasabatas ito bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

“It’s time to end child marriage, which is a form of violence against children,” sabi ni Herrera, isa sa may–akda at sponsor ng House Bill 9943, na nagdedeklara na iligal ang pagpapakasal sa mga bata at magpaparusa sa mga lalabag dito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga magkakasal, magulang, at tao na magpapakasal sa bata ay makukulong ng hanggang 12 taon at magmumulta ng hindi bababa sa P40,000.

Sinabi ni Herrera na ang Pilipinas ang ika-12 sa mundo sa pinakamaraming child marriage.

Batay sa 2013 National Demographic and Health Survey, sinabi ni Herrera na 15% o tinatayang 700,000 babae na edad 20-24 ang ikinasal bago pa sila mag-18.

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority noong 2013 ay 12.2% ng mga ikinasal at teenage bride o edad 15-19.

“Hindi po ito maliit na bagay. Libo-libo ng ating kabataang babae ay napilitang ikasal, makipagtalik at mabuntis habang sila ay bata pa,” sabi pa ni Herrera. “It denies them of their childhood, it disrupts their education, and it limits their opportunities.”

Ipinunto rin ni Herrera ang sinabi ng United Nations Convention on the Rights of the Child at iba pang human rights organization na ang child marriage ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao.

“We believe that there is an urgent need for a national law explicitly prohibiting child marriage and providing programs and services for prevention and response, to ensure that all Filipino children—boys and especially girls—will have the opportunity to grow and develop to their full potential, and the chance to decide when and with whom to marry,” dagdag pa ni Herrera.

The post Panukalang pagbabawal ng child marriage umusad na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-pagbabawal-ng-child-marriage-umusad-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukalang-pagbabawal-ng-child-marriage-umusad-na)