Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa konstruksyon ng Quezon-Bicol Expressway (QUBEX).

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 9988 na nakatanggap ng 238 boto.

Binigyan-diin ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa may-akda ng panukala ang kahalagahan na magawa ang expressway na magpapa-ikli sa biyahe sa Maynila hanggang Bicol mula 10-15 oras sa limang oras.

Ang kawalan umano ng kalsadang madaraanan nang mabilis ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang inflation rate at ang presyo ng mga produkto sa Bicol.

“Transportation is one of the key drivers [of inflation]. Our region saw transport inflation reach an eye-popping 13% in July. Food also continues to be expensive and is higher than the regional inflation at 6.6%. This is a direct result of the fact that it is expensive to transport to the Bicol region, the expense coming mostly from travel time,” sabi ni Salceda.

Ang matitipid na oras at diesel sa mas mabilis na biyahe ay magpapababa umano sa presyo ng bilihin.

Ang panukalang expressway ay magsisimula sa Pagbilao, Quezon at durugtong sa Maharlika Highway sa San Fernando, Camarines Sur. Tinatayang ito ay may habang 220 kilometro.

Natapos na ang feasibility study ng proyekto.

The post Panukalang Quezon-Bicol Expressway pasado na sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-quezon-bicol-expressway-pasado-na-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukalang-quezon-bicol-expressway-pasado-na-sa-kamara)