Namatay na si 2016 Rio de Janeiro Summer Paralympic Games women’s table tennis bronze medalist Josephine Medina sa edad na 51-anyos.

Ipinahayag ito ng Philippine Table Tennis Federation Inc. via Facebook page Huwebes ng gabi, samantalang agad na nakiramay ang Philippine Sports Commission sa kanilang social media account.

Kahit nagka-polio sa murang apat na taon pa lang makaraang ipangangak noong March 20, 1970, hindi naging hadlang ang sakit kay Medina para magtagumpay pa rin sa sport.

Siya ang pangalawang Pinay para athlete na nag-medal tapos ding maka-bronze ni Adeline Dumapong-Ancheta sa powerlifting ng 2000 Sydney Paralympics.

May dalawang silver at bronze pa si Medina sa Asian Para Games, at limang gold naman sa ASEAN Para Games.

The post Paralympics bronze winner: Medina namatay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paralympics-bronze-winner-medina-namatay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paralympics-bronze-winner-medina-namatay)