Pumanaw na si Paralympics medalist Josephine Medina nitong Huwebes.

Inanunsyo ito ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF) sa magkahiwalay na pahayag.

Hindi naman na idinetalye pa ang sanhi ng pakamatay nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, si Medina ang tumuldok sa 16 taong bokyang makasungkit ng medalya ang Pilipinas sa Paralympics.

Nakapag-uwi lang naman kasi ang 51 anyos na atleta ng bronze medal sa Rio Paralympics noong 2016.

Bago ito, iba’t ibang international competitions na ang sinalihan ni Medina.

Ilan dito ang paglahok niya sa ASEAN Para Games noong 2008 kung saan naiuwi niya ang ginto at pilak naman taong 2010 at 2018 sa Asian Para Games.

The post Paralympics medalist Josephine Medina pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paralympics-medalist-josephine-medina-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paralympics-medalist-josephine-medina-pumanaw-na)