UMARIBA na sa Japan B.League sina Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks Jr. nang maglaro ang mga ito Sabado sa pre-season match.

Para sa ikalawang season, si former Ateneo Blue Eagles star Thirdy ay naglaro para sa San-En NeoPhoenix ngunit yumuko kontra Fighting Eagles Nagoya, 86-83 OT.

Lalarga ulit ang nakababatang Ravena sa Oktubte 2 at 3 kung saan makakalaban niya ang kanyang utol na si Kiefer na ngayon ay nasa Shiga Lakestar.

Buwenas naman ang bagong simula ni Parks sa nasabing liga nang magwagi ito sa unang laro kontra Gunma Crane Thunders.

Kasalukuyan kasing bahagi na si Parks sa koponang Nagoya Diamond Dolphins na tumapos ng 32-24 noong nakaraang taon.

The post Parks, Thirdy umaksiyon na sa B.League first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/parks-thirdy-umaksiyon-na-sa-b-league/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=parks-thirdy-umaksiyon-na-sa-b-league)