Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Guillermo Eleazar na bumaba ang namamatay sa giyera kontra iligal na droga.

Sa kabila ito ng report na tumaas ang death toll sa drug war ng hanggang 76% ngayong pandemya.

“Well unang-una, ‘di ko sigurado ‘yung figure, tumaas man ‘yan bumaba rin siya. Itong taong ito napakalayo compared sa dati. I mean the first few years nitong 5 years natin.

“I have to check ‘yung for last year na sinasabi nila na tumaas. But definitely ito kasi sinasabi nga natin na this is dependent on the nature of the operation, eh kung meron labanan diyan, ‘di natin hahayaan na tayo ang bumulagta diyan,” aniya sa panayam sa “The Chiefs”.

Dagdag ni Eleazar, handa ang PNP na humarap sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court kaugnay sa umano’y extrajudicial killings sa drug war.

“We’d like to assure the public is wala naman dapat itago, mananagot kung may maling ginawa,” wika niya.

The post Patay sa drug war bumaba – Eleazar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patay-sa-drug-war-bumaba-eleazar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=patay-sa-drug-war-bumaba-eleazar)