Nilalangaw na ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na mainit sa biniling medical supplies ng gobyerno para magamit sa pagtugon sa COVID-19.

Ito ang tila may pangangantiyaw ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Dick Gordon na hindi pa rin tumitigil sa paghahanap umano ng butas laban sa administrasyon.

Ayon sa Pangulo, naka-pitong hearing na si Gordon at wala itong napatunayan sa bintang na anomalya sa pagbili ng medical supplies at sa halip na tumigil na ay nagpatuloy pa sa paghahanap ng mali sa gobyerno.

Kakaunti na rin aniya ang mga senador na dumadalo sa hearing ng senador.

“After seven hearings of proving nothing — no ghost deliveries, no illegal procedures. The Senate Blue Ribbon Commitee continues to conduct their witch-hunt . But now only a few senators attended and even fewer were participating in the proceedings,” anang Pangulo.

Nawalan na aniya ng interes ang ilang miyembro ng komite dahil sa walang kuwentang pamumulitika at kahit nagpipilit makahanap ng butas ay bigo ang mga ito.

“Clearly even other committee members and other senators are starting to lose interest in its useless political circus. Some of the committee members are trying hard but again in vain to find fault,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Patuloy na imbestigasyon ng komite ni Gordon nilalalangaw na – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patuloy-na-imbestigasyon-ng-komite-ni-gordon-nilalalangaw-na-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=patuloy-na-imbestigasyon-ng-komite-ni-gordon-nilalalangaw-na-duterte)