Hindi makakasali ang Pilipinas sa Davis Cup ngayong taon dahil sa dalawang taong suspensyon ng Philippine Tennis Association (Philta).

Ipinataw ng International Tennis Federation (ITF) ang suspensyon sa Philta dahil sa kabiguan umano nitong makapagpasa ng kaukulang dokumento sa ITF, na inilarawan bilang “long-standing governance failings.”

Dahil dito, ‘di makakasabak ang Pinoy netters sa Asia Oceania Group III competition ngayong Setyembre.

Ang Pilipinas ay sumasalang sa Davis Cup simula pa noong 1921 at naging Eastern Zone champion noong 1957, 1958, 1960 at 1964.

Huling nakalaban ang Pinas sa Davis Cup noong Marso 2020.

The post Pinas garahe sa Davis Cup first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-garahe-sa-davis-cup/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-garahe-sa-davis-cup)