Kasalukukayang naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagpapatupad ng granular lockdowns at alert level system sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng GMA News, ipinag-utos din ni NCR Police Office chief Police General Guillermo Eleazar ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan bago ang Setyempre 16.

Batay sa report, aabusihan ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown isang araw bago ito kasa.

Ayon kay Interior undersecretary Epimaco Densing III, ibabase nilanag ang alert level sa isang lugar batay sa dami ng COVID cases nito.

“Hindi po limitado sa cases no ang mga pamantayan ng DOH based sa kanilang summary is una ico-consider talaga ang healthcare utilization rate. Kailangan mas mababa sa 70%,” wika niya.

“Pagbabasihan din ‘yung pagbaba o pagtaas ng numero ng mga cases at ‘yung ADAR,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na tanging isang alert level lang ipapatupad sa Metro Manola sa loob ng dalwang linggong pilot implementation.

The post PNP, DILG naghahanda na sa pagkasa ng granular lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-dilg-naghahanda-na-sa-pagkasa-ng-granular-lockdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-dilg-naghahanda-na-sa-pagkasa-ng-granular-lockdown)