Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nagsagawa sila ng reenactment kaugnay sa “misteryosong” pagkamatay ni Bree Jonson sa isang resort sa La Union nitong Sabado.

“Nag-produce kami ng kasing height niya na babae, personnel natin, at nag-conduct tayo ng reenactment,” ani Police Brigadier General Emmanuel Peralta na siyang PNP Regional Office regional director sa panayam ng 24 Oras.

Ito ay matapos matagpuang wala ng buhay ang 30 anyos sa hotel na tinuluyan nila ng nobyong si Julian Ongpin.

Bukod sa anggulong may foul play umano ito na ginawa ng 29 anyos na kelot, tinitingnan rin na maaari anilang nagpakamatay si Bree.

Samantala, nakita naman sa mga mugshot ni Ongpin, anak ng busineess tycoon na si Bobby Ongpin, ang malalalim at “fresh” nitong mga sugat sa kamay na tila anila’y nanggaling sa kalmot dahilan para ipagdiinan nang ina ni Bree na hindi nagpakamatay ang anak niya.

Kaugnay nito, lumabas sa imbestigasyon na asphyxia ang ikinamatay ng dalaga.

Ani Ongpin, nakuha niya ang mga sugat sa braso niya matapos niyang tangkaing pumasok sa CR kung san nagkulong si Bree ilang oras bago ito masawi.

“Ang ginawa niya, bumalik nanaman siya sa room. May nakita siyang maliit na window doon sa ilalim ng CR, binasag niya. Doon siya sumuot, doon ‘yung may mga nails. Doon siya nasugatan,” ani Peralta.

“Then from there, inilabas niya si Breana sa CR at inilagay doon sa unang bed sa room nila. That was when he called for help,” dagdag pa niya.

Dahil dito, sinabi ng PNP official na malaki ang posibilidad na nagpakamatay ang artist.

“Hindi ko pa dinidiklerang walang foul play or meron or suicide or hindi ito, no? Ang lumalabas dito sa imbestigasyon namin, more on possibility na walang foul play at maaring nag-commit ng suicide si Breana,” aniya.

Una nang naaretso noong Linggo si Julian matapos makuhaan ang hotel room nila ni Bree ng mahigit 12 gramo ng cocaine na sinasabing pagmamay-ari niya.

Batay sa report, agad namang pinalaya ang kelot matapos maaresto. (VA)

The post PNP nagsagwa ng ‘reenactment’ sa kaso ni Bree Jonson; Julian Ongpin not guilty sa foul play first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-nagsagwa-ng-reenactment-sa-kaso-ni-bree-jonson-julian-ongpin-not-guilty-sa-foul-play/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-nagsagwa-ng-reenactment-sa-kaso-ni-bree-jonson-julian-ongpin-not-guilty-sa-foul-play)