Nakuha ni Senador Manny Pacquiao ang suporta ng isang Cebu-based political party para sa pagtakbo niya bilang pangulo sa Eleksiyon 2022.

Sa isang event sa Cebu City, ginawa ring standard bearer ng Promdi Party ang Senador.

“I was nominated by PDP Laban, tinanggap ko yun. I was nominated by Promdi, tinatanggap ko rin. Tumatakbo ako para maging Presidente ng Pilipinas, para sa bayan,” ani Pacquiao.

“Kailangan ko magkaroon ng alyansa sa mga partido na kapareho ko ang pananaw para maisulong ang kapakanan ng bayan,” dagdag pa niya.

Nito lamang nakaraang linggo inanunsyo ni Pacquiao ang kandidatura niya sa pagkapangulo sa Halalan 2022 matapos manomina ng ilang regional representatives ng PDP-Laban sa isa nilang pagtitipon noong Setyembre 19. (VA)

The post Promdi Party ‘Pacman for President’ sa Eleksiyon 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/promdi-party-pacman-for-president-sa-eleksiyon-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=promdi-party-pacman-for-president-sa-eleksiyon-2022)