Pinaiksi ng pamahalaan ng Cebu ang quarantine period para sa mga returning overseas Filipino (ROF) na darating sa kanilang probinsya kung ang mga ito ay bakunado na kontra COVID.

Ayon sa ulat, mula pitong araw ay limang araw na lamang ang quarantine ng mga ROF na bakunado sa Cebu.

Ngunit daraan pa rin umano ang mga ito sa RT-PCR test, at pauuwiin kung magnenegatibo sa COVID.

Sinabi rin umano ni Gov. Gwendolyn Garcia na nirerepaso pa ng lokal na pamahalaan ang ilan pang panuntunan sa mga ROF.

The post Quarantine ng ROF sa Cebu 5 araw na lang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quarantine-ng-rof-sa-cebu-5-araw-na-lang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=quarantine-ng-rof-sa-cebu-5-araw-na-lang)