Ginatasan umano ng Philippine Red Cross na pinamunuan ni Senador Dick Gordon ang mga senior citizen sa pamamagitan ng paniningil sa swab testing sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na naningil ng mula P4,000 hanggang P4,7000 ang Red Cross at hindi binigyan ng diskuwento ang mga senior citizen na isang malinaw na paglabag sa Expanded Senior Citizens Act.

Sinabi ng Pangulo na ang Red Cross ay non-profit organization subalit naniningil sa kanilang mga serbisyo gaya ng swab tests na ginagawa sa mamamayan.

“Red Cross charged testing at astronomical rate arond P4,000- P4,700 a piece without any discount for senior citizens o persons with disabilities. is this not a clear violation of the Expanded Senior Citizen Act?” anang Pangulo.

Dapat aniyang sagutin ito ni Senador Gordon dahil malinaw na nilabag ng Red Cross ang batas matapos hindi bigyan ng diskuwento ang mga senior citizen.

“Pakisagot lang nito kasi it is a violation of law to deprive the senior citizens and personswith disabilities of lower prices in consideration of their present situation,” dagdag ng Pangulo.

Karamihan sa mga sinusuri ng Red Cross sa COVID-19 ay mga umuuwing overseas Filipino workers mula sa ibang bansa.

The post Red Cross ginatasan ang mga senior citizen – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/red-cross-ginatasan-ang-mga-senior-citizen-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=red-cross-ginatasan-ang-mga-senior-citizen-duterte)