Walang takot na tinawag ni Vice President Leni Robredo si presidential spokesman Harry Roque na isang bully at bastos.

Kaugnay ang kanyang pahayag matapos ma-hulicam ni Roque na nagsisisigaw sa isang teleconference kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases at isang grupo ng mga medical expert.

Ang pinuputok ng butsi ng tagapasgalita, wala na raw kasing sinabing maganda ang Philippine College of Physicians (PCP) sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

Hinarang kasi ng PCP ang plano ng IATF na paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila dahil mataas pa rin ang mga kaso ng COVID.

Ani Robredo, walang karapatan si Roque na mangbastos at mang-bully.

“Kung merong ibang tao na kausap mo na iba iyong pagtingin sa mga bagay, wala ka namang karapatan na mag-react the way na Secretary Roque did. Kaya nga may IATF para mapakinggan lahat,” sambit niya niya sa kanyang lingguhang radio show.

“Kung hindi ka agree, okay naman sabihin mong hindi ka agree pero wala kang karapatan na mambully, mambastos,” pagpapatuloy niya.

Aniya, mas mabuti pang huwag na lang dumalo ng mga meeting si Roque kung hindi rin naman aniya siya makikinig.

“Kung ayaw mong makinig ng contrary opinion, h’wag ka nang pumunta dun kasi iyon ang purpose ng meeting,” wika ni Robredo.

“Kung nakinig lang tayo sa health experts from the very start siguro ngayon hindi na kasinglala,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/roque-nabadtrip-sinupalpal-mga-doktor/
https://tnt.abante.com.ph/roque-matapos-pagalitan-mga-doktor-tao-lamang/

The post Robredo kay Roque: Wala kang karapatang mambastos, mang-bully! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-kay-roque-wala-kang-karapatang-mambastos-mang-bully/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-kay-roque-wala-kang-karapatang-mambastos-mang-bully)