Iminungkahi ni Bise Presidente Leni Robredo sa pamahalaan ngayong Linggo na gawing accessible sa publiko lalo sa ordinaryong mamamayan ang COVID testing.

“Sana i-expand ‘yung libre at accessible. Sana everywhere, lalo na sa Metro Manila, anytime pwede sila mag-walk in para magpa-test,” pahayag ni Robredo sa kanyang weekly radio program.

“Mahina na nga ang contact tracing, very limited pa ang testing,” dagdag pa ng bise presidente.

Kamakailan lamang ay binabaan ng pamahalaan ang price cap para sa RT-PCR test. Ngunit ayon kay Robredo, masakit pa rin ang halaga sa mga minimum wage earner.

Batay sa huling price cap, nagkakahalaga mula P2,450 hanggang P2,800 ang COVID test sa mga pampublikong laboratoryo.

Samantala, mula P2,940 hanggang P3,360 naman ang price cap sa pribadong laboratoryo.

Maaari naman daw maningil ang mga testing center ng mas mababang halaga ngunit ‘di na maaaring lumagpas sa price cap.

The post Robredo: Testing gawing libre, malawakan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-testing-gawing-libre-malawakan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-testing-gawing-libre-malawakan)