Hangga’t wala pa umanong nagsusumite ng certificate of candidacy (COC), posible pa ring mabuo ang inaasam na united opposition, ayon kay Bise Presidente Leni Robredo.

“It’s not like I have a choice but to decide before Oct. 8,” wika ni Robredo nitong Linggo. “But for me, I still have two weeks. I’m going to see whether there’s still hope for everyone to band together.”

Tuloy ang pag-asa ni Robredo na matuloy ang iisang oposisyon kahit pa ang mga politikong kanyang nilapitan para sa unity talks – sina Senador Manny Pacquiao, Senador Ping Lacson at Mayor Isko Moreno – ay naganunsyo na ng kandidatura sa 2022 bilang pangulo.

“For me, as long as we unite or the more that we reduce the number of people gunning for the presidency, the better,” dugtong pa ng bise presidente. “And that is why I don’t plan on rushing myself, because there is still hope.”

Samantala, nitong Linggo rin ay sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tatakbo siyang pangulo kung hindi magsusumite ng COC si Robredo sa Oktubre 8. Una na ring tinawag ni Trillanes sina Pacquiao, Moreno at Lacson bilang mga pekeng oposisyon. (MJD)

The post Robredo umaasa pa rin sa iisang oposisyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-umaasa-pa-rin-sa-iisang-oposisyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-umaasa-pa-rin-sa-iisang-oposisyon)