Ipinagmalaki ni Vice President Leni Robredo na wala siyang mga “blind” follower.

Sinabi niya ito sa gitna ng pagtaas ng bilang ng nagtutulak sa kanyang tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Aniya, hindi raw niya binabalewala ang suporta ng kanyang mga follower dahil hindi bulag ang mga ito kapag may mali siya.

“Hindi ko siya tine-take lightly, eh. Iyong sa akin, iyong pakikipaglaban ko, para sa kanila. Very confident kasi ako na iyong klase nga ng supporters ko, hindi ito iyong klase ng supporters na kapag may mali akong gawin, magiging blind followers pa rin,” paliwanag niya.

Dagdag niya, ang mga klase ng tagasuporta niya ay laging pagmamahal sa bansa ang inuuna.

The post Robredo: Wala akong ‘bulag’ na supporter first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-wala-akong-bulag-na-supporter/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-wala-akong-bulag-na-supporter)