Kumalat sa social media ang video clip ng panggigigil ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang grupo ng mga doktor sa gitna ng Zoom meeting ng IATF noong Martes.

Sa naturang pulong umano ay hinarang ng Philippine College of Physicians ang plano ng IATF na paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila dahil mataas pa rin ang COVID cases.

Dito umano rumesbak si Roque sa pagalit na tono na may pagtuturo pa ng kanyang daliri sa screen.

Gigil umano si Roque dahil nais niyang ipahatid sa grupo na dapat din nilang makita ang ginagawa ng pamahalaan para labanan ang virus.

“We employed the ‘entire government approach’ thinking about economic ramifications, thinking about the people (who) will go hungry. It does not mean that we care any less,” pagalit na sabi ni Roque sa kumalat na video clip.

“And let me point out to everyone, this group, they have never said anything good about the government response,” dugtong pa niya.

Ayon sa ulat, tinangka pa umano siyang pakalmahin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ngunit ‘di raw nagpaawat ang tagapagsalita.

‘Di pa naman nagkokomento si Roque sa pangyayari.

The post Roque nabadtrip, sinupalpal mga doktor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-nabadtrip-sinupalpal-mga-doktor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-nabadtrip-sinupalpal-mga-doktor)