New York – Hindi raw karapat-dapat maluklok na miyembro ng United Nation International Law Commission si Presidential Spokesman Harry Roque.

Pinababasura ng militanteng grupo ang nominasyon ni Roque sa nasabing posisyon dahil kinunsinti raw nito ang mga paglabag sa karapatang pantao ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ni Bayan USA Mike Legaspi si Roque na makapal ang mukha dahil sa pagpupursige nito na maging miyembro ng naturang komisyon.

Kasalukuyang nasa New York ang kalihim para tutukan ang kanyang nominasyon sa komisyon.

Isang kilos protesta naman ang isinagawa ng ibat-ibang grupo sa harap ng United Nation para ipabasura ang nominasyon ni Roque.

Sigaw nila, bahagi raw si Roque sa mga paglabag sa batas ng administrasyon na taliwas sa prinsipyo ng International Law commission.

The post Roque sa UN Int’l Law Commission pinababasura ng Bayan-USA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-sa-un-intl-law-commission-pinababasura-ng-bayan-usa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-sa-un-intl-law-commission-pinababasura-ng-bayan-usa)