Nagpositbo sa COVID-19 si Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental.

Ayon kay Chancellor Rev. Fr. Marjun Almario, asymptomatic umano si Alminaza at kinailangan nitong agad na mag-isolate.

“We encourage those persons that he may have interacted with these past few days to observe home quarantine and cooperate with the authorities for proper health protocols,” ani Almario sa isang pahyag.

“We ask for everyone’s prayers for his fast healing as well as for other COVID-19 patients. Let us continue as well to pray for those in the frontlines who are constantly taking risks to care for us,” dagdag pa niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ito na ang ikalawang beses na nasapol ng COVID si Alminaza.

Nagpositibo na kasi siya sa nakamamatay na virus noong Hunyo.

Matatandaang nito lamang Biyernes nang inanunsyo ng chancy ng Archdiocese of Manila na nagpositibo sa COVID si archbishop Jose Cardinal Advincula. (VA)

The post San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/san-carlos-bishop-gerardo-alminaza-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=san-carlos-bishop-gerardo-alminaza-sapol-ng-covid)