Nasapol ng isang matanglawin na netizen si Paolo Contis na may ka-holding hands habang naglalakad.

Hinila ng mga intregerang netizen, si Yen Santos ito.


Kahit naka-face mask ay hindi maikukubling si Paolo Contis nga ito habang may karay-karay na bebot na naka-sweater at shorts.

Todo comment naman ang mga Marites.

Yhelen Austria: “Totoo tlga ung kasabihan “bsta asawa mo makikilala mo agad..kahit bunbunan lng makita mo”
Isa siguro to sa mga proof na nakita ni Lj”

Barek Garcia: “Di man lang inisip na may masisirang pamilya 😤🤬”

Ninya Bonita: “thirdparty pala”

Lor Na: “Kaya pala sa movie nila basag na ang katawan ni yen, hindi na tulad dati dun sa teleserye nila ni sam milby at echo”

Matatandaang nagtambal ang dalawa sa 2021 film na “A Faraway Land.”

Nito lamang Martes nang kumpirmahin ni LJ Reyes na hiwalay na sila ni Paolo.

Aniya, maging ang mga anak nila ay iniwan na rin ng aktor.

The post Sapul sa video! Paolo, Yen holding hands while walking first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-sa-video-paolo-yen-holding-hands-while-walking/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sapul-sa-video-paolo-yen-holding-hands-while-walking)