Mariing itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga ulat na may selos o inggit siyang nararamdaman sa pagiging malapit ni Senador Bong Go sa kanyang ama.

“This is not true. I do not hold a grudge against Senator Go concerning his relationship with PRRD. I am not the keeper of the President, he is allowed to have friends as I am,” pahayag ng alkalde sa kanyang FB page nitong Miyerkoles.

Kaugnay ito ng isang artikulong lumabas na nagsasabing may ‘proxy fight’ sa pagitan ng una at ikalawang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang why would I be furious about the need for an appointment to see the President, what matters is I get to see the President,” dagdag pa ni Mayor Sara.

Isa pang pinasinungalingan ng alkalde ang kumakalat sa social media na may galit daw siya kay Pangulong Duterte at kay Senador Go.

“The source of this article do not know me as well. I am not angry at President Duterte or Senator Bong Go nor am I envious of the power that they hold. The responsibility that comes with power is exhausting, there is nothing to be jealous about it,” pahayag pa ni Mayor Sara. (MJD)

https://www.facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial/photos/a.101948648845298/124849029888593/?type=3

The post Sara walang galit, inggit kay Bong Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sara-walang-galit-inggit-kay-bong-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sara-walang-galit-inggit-kay-bong-go)