Bumisita sa Zambales si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesman Celine Pialago.

Makikita sa Facebook post ng isang empleyado ng President Ramon Magsaysay State University na walang suot na face mask ang tagapagsalita habang nakasakay sa solar vehicle.

Ayon sa nag-post na si Roberto Briones, ang ganda raw ni Pialago kaya ni-request niya na huwag na munang mag-face mask dahil pipiktyuran niya ito.

“Sa mga nakapansin po…sadya ko pong pinapatanggal ang kanyang facemask pag pinipicturan ko sya…sayang naman kasi kung hindi makita ng buo ang kanyang magandang mukha at matamis na ngiti…minsan na nga lang syang magawi dito sa malayo at bulubundukin pero paraisong lalawigan ng Zambales,” saad ni Briones.

Sa dulo ng video ay nagsuot na ng face mask si Pialago.

Pero sa isa pang video post ni Briones kapansin-pansin na hindi rin nagsuot ng face mask si Pialago habang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa loob ng opisina ng presidente ng unibersidad.

https://www.facebook.com/roberto.briones.9655806/videos/588000568910950/

https://www.facebook.com/roberto.briones.9655806/videos/450600889500274/

The post Sayang daw ganda: Pialago nagtanggal ng face mask sa Zambales first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sayang-daw-ganda-pialago-nagtanggal-ng-face-mask-sa-zambales/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sayang-daw-ganda-pialago-nagtanggal-ng-face-mask-sa-zambales)