Hiniling ng Senado sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang voter registration period ng isang buwan para mapigilan ang pagkawala ng karapatan ng mga botante na makaboto lalo na ang mga baguhan.

Sa hybrid plenary session, pinagtibay ng Senado ang Resolution No. 851 na humihikayat sa Comelec na i-extend ang deadline para sa pagpaparehistro mula Setyembre 30, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.

Sa privilege speech, sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sponsor ng resolusyon, na ang September deadline ay inakda bago pa tumama ang pandemya sa bansa.

“It is a pre-pandemic deadline. Nobody could have anticipated how this public health emergency would severely impact our daily lives, let alone voter registration,” sabi ni Pangilinan.

Ipinakita pa ng senador ang video kung saan makikita ang ang mahabang pila ng mga taong gusto magparehistro sa Metro Manila noong Setyembre 6 matapos tanggalin ang enhanced community quarantine (ECQ).

Bagama’t inihayag ng Comelec na ang registration hours ay mula 8 a.m. hanggang 7 p.m. kapag weekdays, at 8 a.m. hanggang 5 p.m. naman kapag Sabado at holiday, maaga naman pinuputol ang oras ng pagpaparehistro.

Inihalimbawa ni Pangilinan ang kaso ng isang youth volunteer na sinabing ang cut-off ay 2:30 p.m. matapos siyang dumating sa Comelec office Quezon City ng 3 p.m. Sinabihan din siyang 300 katao lamang ang pinayagang makapag-parehistro.

Bukod sa takot na mahawaan ng virus, sinabi ni Pangilinan ay may iba pang sagabal kung bakit hindi makapag-parehistro ang mga tao, tulad ng filled-up slots, kawalan ng oras at perang pamasahe patungko sa tanggapan ng Comelec.

“While it is important for Comelec to be given enough time to prepare a final list of voters that is a prerequisite for the preparation and completion of its Project of Precincts or POP, we believe that a one-month extension will not delay Comelec’s preparation,” diin ni Pangilinan.

Sabi pa ng senador, sa mga nagdaang halalan, ang voter registration deadline ay itinatakda sa Oktubre 31.

“The Supreme Court itself recognized the Comelec’s power to set the deadline of voter registration, so long as no registration may be done during the period starting 120 days before a regular election,” ayon kay Pangilinan.

“Based on this alone, Comelec has the prerogative to set the deadline of voter registration before January 9, 2022. But we are not asking that, we are only asking for a one-month extension. Only one month,” sambit pa nito.

The post Senado humiling palawigin voter registration first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senado-humiling-palawigin-voter-registration/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=senado-humiling-palawigin-voter-registration)