Ilang senior citizens ang nagsisuguran sa Delpan Sports Complex sa Tondo para kunin ang kanilang ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa pagkakaalam kasi ng mga senior, kailangang sila mismo ang personal na mag-claim nito.

Dahil dito, napilitang lumabas sa kani-kanilang bahay ang mga senor citizen kahit takot sa banta ng COVID-19.

“Tiyagaan lang po kasi kung hindi ka magtiyatiyaga, wala ring mangyayari. Nandoon po ‘yong takot pero tintiis na lang po gawa ng walang-wala talaga eh, kailangan eh,” pahayag ni Artemio Lilis sa panayam ng GMA News.

Samantala, kasalukuyang umaarangakda na ang imbestigasyon sa insidente.

“They’re investigating it right now. Hopefully, that will not happen again in that kind of situation,” wika ni Manila Mayor Isko Moreno.

Batay sa report, maraming nilabag na safey protocols ang pag-landslide ng mga senior sa naturang sports complex.

Anila, nawala na kasi ang social distancing at maging ang pagsusuot ng mga face mask ng ilang tanders na sumugod doon ay mali rin. (VA)

The post Senior citizens nabiktima ng fake news sa pagkuha ng ayuda, imbestigasyon pinaratsada ni Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senior-citizens-nabiktima-ng-fake-news-sa-pagkuha-ng-ayuda-imbestigasyon-pinaratsada-ni-isko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=senior-citizens-nabiktima-ng-fake-news-sa-pagkuha-ng-ayuda-imbestigasyon-pinaratsada-ni-isko)