Nakauwi na sa Pilipinas ang 353 overseas Filipino workers (OFW) mula Dubai sa pamamagitan ng special commerical flight.

Ayon sa ulat ng GMA News, binigyan din ng Cebu Pacific ang mga Pinoy ng meal at baggage allowance.

Anang budget carrier airlines, sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o ng Philippine Ports Authority (PPA) ang akomodasyon nito sa quarantine hotel maging ang kanilang mga RT-PCR test.

Sa kasakuluyan, mulya Hulyo ay mahigit 2,400 Pinoy na mula Middle East ang nakabalik sa ‘Pinas sa pamamagitan ng special commercial flights.

Nakatakda naman sunduin ng CebuPac sa Linggo ang 350 repatriated OFWs sa Beirut at Bahrain.

The post Shala! 300 repatriated Pinoy galing Dubai sinundo ng special flight first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shala-300-repatriated-pinoy-galing-dubai-sinundo-ng-special-flight/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=shala-300-repatriated-pinoy-galing-dubai-sinundo-ng-special-flight)