Binigyan ng bagong posisyon sa gobyerno si dating Philippine National Police chief Debold Sinas.

Itinalaga siya bilang undersecretary sa Office of the President, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Matatandaang bago nagretiro bilang hepe ng pambansang kapulisan ay katakot-takot na kontrobersiya ang kinasangkutan ni Sinas.

Kabilang na roon ang pagsasagawa ng maƱanita sa kanyang birthday noong nakaraang taon habang siya pa ang Metro Manila Police chief na lumabag umano sa mass gathering ban at social distancing.

The post Sinas may bagong trabaho kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinas-may-bagong-trabaho-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sinas-may-bagong-trabaho-kay-duterte)