Ibinahagi ni Sitti sa kanyang Instagram ang mala-bola niyang tyan.

Isa na kasi siyang expectant moter sa kanilang baby no. 2 ng mister na si Joey Ramirez.

“Almost everyone in our household thought it’ll be a baby boy this time,” sey ng bossa nova singer sa caption.

Aniya, hinala ng mga tao ay lalaki ang ipinagbubuntis niya dahil umano sa kanyang mga ipinapakita senyales tulad ng panghihina at mas lalong paglaki ng tyan kumpara sa nauna niyang pagbubuntis.

Ngunit aniya: “Confirmed! It’s another girl!”

“Honestly ako, basta healthy siya and umabot kami ng 37 weeks, hindi mahalaga sa ’kin ang gender, But I know Joey would’ve really wanted a boy to continue the family name,” sambit niya.

Hiling ngayon ng singer, baby boy na sa susunod.

“Maybe on our third, God-willing.”

Taong 2015 nang ikinasal ang dalawa.

Nito lamang 2018 nang isilang ni Sitti ang una nilang dyunalkis na si Issiah DaƱelle.

The post Sitti namilog ang tyan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sitti-namilog-ang-tyan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sitti-namilog-ang-tyan)