Atras ang kompanyang Smartmatic-Total Information Management Inc., sa bidding ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga vote counting machine na gagamitin sa 2022 elections dahil sa kakapusan ng budget.

“We have given the procurement documents a thorough study, trying to find ways to comply with all the requirements within the approved budget,” saad sa sulat ng Smartmatic na binigay sa Comelec.

“Unfortunately, we have determined that the budget is not sufficient to cover all of Comelec’s conditions stated in the (terms of reference),” dugtong pa nito.

Ang kontratang ibibigay ng Comelec sa mananalong bidder ay nagkakahalaga ng P600 milyon para sa 10,000 o mahigit pang vote-counting machine.

Ang kakulangan din umano ng Smartmatic sa budget ay bunsod ng kakapusan ng suplay ng computer chip sa pandaigdigang merkado.

Handa pa rin naman daw ang nasabing kompanya na makilahok sa bidding kapag binabaan ng Comelec ang budget allocation sa kontrata.

Ang Smartmatic ang naging provider ng vote-counting machine ng bansa mula nang simulan ang automated elections noong 2010.

The post Smartmatic tiklop sa Comelec bidding first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/smartmatic-tiklop-sa-comelec-bidding/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=smartmatic-tiklop-sa-comelec-bidding)