Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kakarampot na pondo na inilaan para sa small and medium enterprises (SMEs) sa ilalim ng panukalang P5 trilyong pondo para sa 2022.

Ayon kay Drilon, P3.45 bilyon lang ang inilaan na alokasyon para sa Development Program of the Department of Trade and Industry kumpara sa P28 bilyon na pondo para sa anti-insurgency program National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“This is such a small amount especially when we look at the NTF-ELCAC of P28 billion. The skewed priorities are so clear. I hope they can consider this. We should be able to support SMEs especially when they are struggling. Marami na pong nagsasara sa kanila,” sabi ni Drilon.

Binigyang diin ni Drilon na ang SMEs ay ‘backbone’ ng ekonomiya na nagbibigay ng 63% ng kabuuang ‘workforce’ sa bansa kaya’t nakakadismaya aniyang P3.45 bilyon ang inilaan para dito.

“Our MSMEs, which employ 63% of our country’s workforce, are currently struggling and are in danger of folding given the successive lockdowns. We should provide adequate support to them,” sabi ni Drilon.

“Yet, we only allocate P3.45 billion as against P28 billion for NTF-ELCAC. What kind of prioritization is that?” dagdag pa nito.

Ang MSME Development Program ay isang program ng DTI na nagbibigay ng tulong sa mga naghihingalong MSMEs.

Noong 2018, P2.246 bilyon ang alokasyon nito. Bumaba ito at naging P1.2 bilyon lang ang alokasyon mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Sabi ni Drilon, nararapat lang na magbigay ng tulong ang gobyerno sa SMEs lalo na’t mahigit apat na milyon na ang walang trabaho sa kasalukuyan dahil sa epekto ng pandemya.

Batay naman sa SWS survey, 3.4 milyon pamilya ang nakakaranas ng gutom dahil sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa.

“Trillions of pesos are being borrowed each year and yet the government has only allocated P3.45 billion for the sector that has lifted our economy for decades. I don’t think that is proportionate to their contribution to our economy,” ayon pa kay Drilon.

The post SMEs tinipid sa 2022 budget – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/smes-tinipid-sa-2022-budget-drilon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=smes-tinipid-sa-2022-budget-drilon)