Nagsabog ng saya online ang Spider-Man sa Leyte na hindi sapot ang gamit kundi motorsiklo!

Viral ngayon sa social media ang mga larawan ni Ruel Militante na nagde-deliver ng mga order habang nakasuot ng Spider-Man costume.

Nagsimula raw ito nang pakiusapan siya ng isang kostumer mula sa Cebu na maghatid ng birthday cake at haranahin ang tatay na nasa Leyte.

Naisip daw ni Ruel na para dagdag impact, nagbihis siya bilang Spider-Man na idolo niya.

Dahil dito, naging instant celebrity siya saan man magpunta.

The post Spider-Man sa Leyte nagsabog ng saya online first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/spider-man-sa-leyte-nagsabog-ng-saya-online/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=spider-man-sa-leyte-nagsabog-ng-saya-online)