Inabisuhan ng isang oil company sa bansa ang mga motorista sa dagdag-singil sa gasolina simula sa darating Martes, Setyembre 7, hanggang sa susunod na Lunes, Setyembre 13.

Batay sa inilabas na forecast ng Unioil Petroleum Philippines nitong Sabado, tataas nang P1.00 hangang P1.10 ang presyo kada litro ng diesel, samantalang P0.40 hanggang P.0.50 naman kada litro ng gasolina.

Ayon sa Department of Energy (DOE), talagang tumaas ang singil ng mga oil company sa bansa mula P0.25 hanggang P0.40 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro ng diesel at P0.70 naman kada litro ng kerosene na siaynag naging epektibo noong Agosto 31.

The post Taas-singil sa gasolina mararamdaman ngayong linggo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taas-singil-sa-gasolina-mararamdaman-ngayong-linggo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taas-singil-sa-gasolina-mararamdaman-ngayong-linggo)